> Lambing

galit ka na naman. sabi ko kasi sa ‘yo wag mo kong problemahin. enjoy mo lang na magkasama tayo. ‘wag mo pansinin na nakalimutan ko ‘yung anniversary natin. ang dami kasi nating kelangang i-celebrate. iba pa yung araw na naging tau sa araw na pormal mo akong sinagot; den iba rin ‘yung date ng naging tayo na talaga. tapos may monthsary pa, birthday, araw na lumipat ng bahay, etc. hindi pa kasama roon ‘yung new year, xmas, valentines, edsa day, rizal day, tandang sora day, etc. ‘di ko naman talaga nakakalimutan. nagkataon lang na mas nauna mong naalala kaysa sa akin. bakit kasi kelangan mo akong tanungin eh 6months in advance pa ‘yun.

wag ka kasing magalit. ‘di ba usapan natin mag-eenjoy lang tayo sa mahaba nating bakasyon. alam mo naman na marami talaga pasahero ngayon dahil xmas. sabi ko nga sa ‘yo punuan lahat ng bus at barko at makikipagsiksikan tayo. sabi mo nga dapat habang bata pa tayo, i-enjoy naman natin ‘yung magkasama tayo. kaya sige travel lang tayo. tapos hindi lang tayo nakakuha ng magandang seat, nakakunot na agad ‘yung noo mo at ang sama ng tingin mo sa akin. paano na ‘yung plans natin na mag-hongkong, singapore, us, etc. balita ko malalayo raw ang distansya ng bus stations doon. baka mainis ka na naman ‘pag naglakad tayo ng mahaba.

relax ka lang. hirap kasi makasakay pauwi, masyadong madalang ‘yung dumaraang sasakyan. dapat kasi kahapon pa ako bumyahe. hindi ko kasi alam na pati pala driver nagpapaputok rin ‘pag new year at kaya nilang isakripisyo ang pera kapalit ng maginhawang tulog. nagyaya kasi ‘yung mga pinsan ko na mag-inuman at kantahan, hindi ko rin naman ini-expect na aabutin kami ng hanggang alas-4 ng madaling araw. na-miss kasi namin ‘yung mga music ng eheads, rivermaya at nakipag-showdown kami sa mga bata naming pinsan. doon ko na-realize na masarap palang sabayan ‘yung PBB theme. kaya tinanghali ako ng gising at na-late ako sa usapan natin. simple lang naman ‘di ba? pero ‘wag mong isipin na wala akong ginawa, alam mo ba na halos pagalitan ko na ‘yung driver kasi ang bagal magpatakbo. at halos lumipad na ‘yung isip ko sa kaiisip kung paano lumipad para lang makarating agad sa inyo on time.

sige ka tatanda ka nyan. ‘di ba usapan natin ‘wag tayong magpapaapekto. masaya naman tayo pag magkasama ‘di ba? tawa ka nga ng tawa lagi sa jokes ko, at ‘di rin naman ko nauubusan ng kwento. madalas ka nga nakayakap sa akin ‘pag nasa byahe tayo. kahit hindi aircon basta magkasama tayo at busog ka sa kwento ko, okay lang sa akin. okay rin ba ‘yun sau?inaamin ko minsan nakakatulog ako sa byahe at humihilik pero andyan ka naman para gisingin ako, di ba? ilabas mo lang kasi lahat ng kwento mo, tatawanan kita promise. pero ‘wag kang magalit kung nakalimutan kong ipasyal ka kasi magkasama naman tayo at masama ‘yung panahon. saka alam mo naman na antukin ako, mas gusto ko matulog kaysa mamasyal. meron pa namang next time. babawi ako promise.

galit ka ba talaga? kasi alam ko kahit nakakunot ang noo mo at naninikip ang ‘yong dibdib, masaya ka pa rin deep inside. sori na at least ngayon alam ko na kung ano ‘yung babaguhin ko this year. sige na ‘wag ka na galit, antok na kasi ako.

2 Responses to “> Lambing”

  1. Kenster Says:

    aba magandang tip! magaya nga! hehehe

  2. Joseph Says:

    Three times a day lang dapat, inom ka ng tubig pagkatapos.

Leave a Reply