> Makisig

Makisig raw ako sabi ni lola. Siguro dahil body fit na t-shirt at maong ‘yung suot ko kaya nagkaroon ng illusion na muscle man.  At syempre pumalakpak ng 100 times ang aking mga tenga sa kanyang mga papuri. Bigla kong nakalimutan na galing nga pala ako sa 10hours na byahe at halos wala pang tulog. Habang nasa byahe nai-set ko na matutulog agad pagkarating na pagkarating sa bahay, pero syempre bubusugin ko muna ang aking sarili sa mainit na sabaw ng sariwang isda na sobrang asim kahit hindi nilagyan ng Knorr Tamarind Mix. Nadiskaril lahat ng maganda kong plano dahil sa mga binitawan nyang salita. Patpatin kasi ako ng bata pa, kaya ng medyo makatikim ng SMB w/ eat all you can pulutan, sariwang gatas, at iba pang luto ng Diyos, nag-build up ‘yung mga taba sa aking katawan at ‘yun nga nagbago ang pananaw ni lola. Para akong uminom ng maraming Red Bull na siyang naging dahilan sa upang tumaas ang aking energy level. Sinapian ako ng kaluluwa ni Samson at nagawang kong tulungan si lola sa paggawa ng macaroni salad, suman, pag-igib ng tubig, at pagkuwento ng sari-sari. Nakaya ko ring uminom ng 5basong tuba at 3tasang bagoong.

Saka ko na-realize na hindi nya pala suot ung salamin nya.

Leave a Reply