> Pacquaio
[ROUNDS 1&2] Celery ang nagpapasarap sa sopas. pero syempre mas masarap kung kumpleto ang sangkap, may langhap-sarap ng sariwang manok hindi ‘yung galing sa knorr cubes. ‘wag ring kalimutan ang gatas, kung may access ka sa gatas ng kalabaw mas mabuti.
[ROUNDS 3&4] iwasang manood ng tv kung nagpapalambot ng macaroni shell. malamang mag-enjoy ka at makalimutan mo ‘yung niluluto. hindi kasi masarap kung overcooked, masyadong malambot, nawawala ‘yung tamang hagod sa ngipin. ang dapat gawin ay magmasid, bantayang mabuti, at tikman kada minuto. kaya kung 30 minutes na palalambutin ‘yung shell, asahang 30 shells rin ang mababawas bago makuha ang tamang luto.
[ROUNDS 5&6] dapat attentive ka sa pagluluto, aware ka sa timpla ng apoy, handa na lahat ng rekado. huwag ring magmamadali, cool lang. kalimutan na 2p.m. na at hindi pa kayo kumakain ng lunch. eh ano kung nakasimangot na sila. huwag mag-aalala kasi walang pangit na pagkain sa gutom na sikmura.
[ROUNDS 7&8] kakambal ng sopas ang malambot na tinapay. walang problema kung walang palaman dahil kulang ang budget. ang mahalaga bawat subo ng sopas ay may katumbas na kagat sa isang piraso ng tinapay. tandaan na mahalaga ang koordinasyon ng dalawang kamay at sampung mga daliri upang ma-achieve ang full satisfaction ng sopas. focus lang at masasanay ka na sa subo, nguya, higop, nguya na routine. ganon lang kasimple, pero masarap. at certified na sobrang sarap kung magsusubuan kayo, ganon pa rin ang routine (subo, nguya,higop, nguya). binudburan lang ng konting secret "lambing" ingredient.
[ROUNDS 9&10] kung mainit ang sopas, ihanda ang malamig na tubig. ‘di na uso ngayon ang juice kasi kulang nga ang budget. at kung minamalas ka at mapaso, eh ano naman. may parusa daw ang sobrang matakaw pero at least busog naman ang tiyan.
[TKO] alam naman natin na higit sa lahat, mahalaga ang tiyan. ‘di ba "the shortest way to a man’s heart is through his stomach’? at sabi nga ng mga boxing analyst, na-TKO raw si morales kasi ‘yung bodega at tiyan ang inatake ni pacquaio.
March 15th, 2006 at 2:25 pm
Laban pacman! Marami pang magic balls jan.
March 15th, 2006 at 7:31 pm
Pumiyok ka yata ken. Konting praktis pa. LABAN PACMAN!!!