> Bulakbol

Ang bulak ba ay kamag-anak ng bulaklak? Hindi mabango ang bulak, hindi rin ito makulay maliban na lang kung papatakan ng cologne o lulunurin sa pintura. May bulaklak na malambot, meron ring matigas, ngunit walang bulaklak na nabubuhay mag-isa. Marahil nagkataon lang na may rhyme ang dalawa kaya marami ang nagkakamali na sila ay isa.

Katulad natin. Ayaw kong ipaliwanag ang ano, bakit at paano kasi manganganak na naman ‘yun ng maraming ano, bakit at paano. Basta naramdaman ko na kelangang maging  isa ang bulaklak at bulak kahit magkaiba sila. May mabangong bulak dahil itinabi ng matagal sa bulaklak, may puting bulaklak ang ina ng bulak. Isa na nga sila sa pandinig at artipisyal na anyo, isa na rin tayo kahit maraming pagkakaiba. Sabi sa alamat, kasing-tigas raw dati ng bato ang bulak, lumambot lang ito dahil sa isang buklaklak. Masaya ka ba na malambot ako, at kapiling kita?

2 Responses to “> Bulakbol”

  1. Kenster Says:

    Magpinsan nga ba sina felix the cat at winnie the pooh? Alamin mo kung bakit?

  2. Joseph Says:

    tsismis lang un, ang alam ko naging GF ni felix the cat si minnie mouse?

Leave a Reply