> Eheads*

simula ng magkahilig ang bagets kong pinsan sa gitara, napadalas ang jamming namin. doon ko na-realize na sa kanyang paningin eh sobrang tanda ko na pala, ‘yung tipong lahat ng sasabihin ko eh facts, bahagi ng buhay, at kapupulutan ng aral. akala n’ya sobrang talino ko na ultimo ‘yung subject n’yang seamanship eh alam ko. kaya minsan, habang full spirit kami sa pagkanta ng ‘crazy for you’, naisipan kong tugtugin sa kanya ‘yung ‘huling el bimbo’ ng eheads. medyo senti ako that time kaya kunting kwento at naibida ko sa kanila ‘yung panahon ko,a decade ago.

usong uso noon ang banda. halos lahat ng songhits may poster ni ely, at halos lahat memoryado ung magasin. tapos nagkapelikula pa si claudine at mark, pare ko, UP ang setting. natandaan ko na pinanood ko ‘yun kasama si ate. wow, sabi ko ganon pala sa UP, dapat don ako pumasok ng college. den naging isyu yung backmasking, pag binaligtad mo raw ung tape ng eheads eh maririnig mo ‘yung "hail satan,etc" na lines. halos dumikit na ang mga tenga namin at ng pinsan ko sa speaker ng radyo marinig lang ‘yung mga demonic chants pero wala lang. resulta, nasira ‘yung ultraelectromagneticpop at circus na tape. Uso rin noon ung "tangina". Galit na galit si lola kasi kahit ‘yung five years old kong pinsan memorized ang pare ko, kaya bago dumating ang chorus nakahanda na ang bakya nya upang paluin kami. nang dumating ang oras na kwestyunin ng senate ang lyrics ng alapaap, parang national issue naming pinag-usapan kung tama ba naman ‘yun. kahit na may tama ‘yung kanta, sumama pa rin kami kay ely sa pag "paparapapapapapaprapaparapa" nya. ng-field trip kami sa tagaytay, batangas, etc kasama pamilya ko at halos 100++ times naming kinanta ‘yung overdrive, bagay naman di ba? xmas time, nilabas ng eheads ‘yung fruitcake, freshman ako non at bagong salta sa manila. natapos kong basahin ‘yung 250 pesos nilang libro sa national bookstore habanag nakikipagpatintero ako sa saleslady na ayaw akong tigilan kasi bawal daw basahin ‘yung book na limited edition.

sikat na si ely, at mayabang na rin. kahit nagmamakaawa na sa pagrequest ung audience sa UP fair, hindi pinagbigyan. at bihirang ngumiti, basta kanta lang ng kanta. pero swerte talaga ang grupo, nanalo pa for the first time in philippine music industry ng best music video sa MTV. el bimbo ‘yung entry nila, at nakakapangilabot raw ‘yung video sabi ng klasmeyt ko na die-hard  eheads fan rin. biglang nag-increase ‘yung sales ng chippy, coke, atbpa. may jingle kasi ni ely. lalong silang yumabang, at habang unti-unting sumisikat ang mga solo artist, nalunod sa kayabangan ang eheads. last album nila, halos hindi nagmarka sa record charts. ako naman, naging busy sa pagsuyo sa GF ko. at habang pabagsak ang heads, tumataas naman ang pogo points ko.

ten years after, hindi na ako bagets. at hindi na rin uso ung cassette at discman. almost 60 seconds lang pwede nang i-download sa limewire ung MP3 ng magasin. name the song & pwede na kitang gawan ng CD compilation ng eheads. grabe na rin piracy, pero unti-unti umuuso ulit ang banda.

2 Responses to “> Eheads*”

  1. Kenster Says:

    napag-isipisip ko na pareho pala tayo ng napagdaanan. naranasan natin ang malakundimang panahon ng mga bandang naging bahagi ng ating buhay.

  2. Joseph Says:

    oo nga buti ndi nasira ulo natin sa headbang. hail to armida siguon-reyna & pilita corales who popularize kundiman…

Leave a Reply