> Kuwentong Tama

[ A Trilogy of senseless(?) stories in 150+ words ]

.

"May tama ka!", patiling-sigaw ni Kris Aquino na naka-side view, sabay turo sa contestant na halos mahulog ang underwear sa lakas tumalon at sumigaw na animo’y nanalo ng jackpot sa sweepstakes. “Thank God, yes!” sabi nya habang tumutulo ang luha sa kaligayahan, hindi makapaniwala na natalo nya ‘yung mukhang nerd na contestant at masama kung makatingin. Kanina lang halos lamunin na sya ng kaba, hiya at takot. Pero dahil sa matinding pangangailangan at kapal ng mukha, nakuha nya ang sagot na “talilong” sa question kung ano ang nauna sa alpabeto (tulong, talong o talilong).  Pasok na sya sa pyramid round, konti na lang at makakaharap na nya ng personal ang super idol nyang si Ate Shawie, ang defending winner.  At habang umaakyat sya papunta sa pyramid, pairap nyang tiningnan ang mga naiwang contestant. “Better luck next time”, sabi sa kanila ni Kris habang mayabang syang nakipagkamay sa iba pang pumasok sa pyramid. Lima na lang silang natitira, tiningnan nyang mabuti ang mga makakalaban nya: seryoso lahat, handang pumatay para lang manalo “Tatagal kaya ako?”, usal nya sa sarili habang sumide-view ulit si Kris at patiling sumigaw …

.

“Tinamaan yata ako sa kanya.” Ewan ko pero hindi naman ako nagpapahalata. Halos sampung beses na nga lang ako kung mag-text per day at hindi na rin masyadong makulit pag magkasama kami. Eh talagang ang lakas talaga ng tama, bullseye. Konting oras lang na hindi ko sya makita gusto ko nang basagin ‘yung ulo ko sa semento at umiyak magdamag. Ibang klase kasi s’yang nilalang, japorms pumorma at maangas. Makinis ang ulo, may headband na kulay pula at silver accessories. Ako naman parang gusto ko na s’yang halikan kung hindi lang dyahe. Ang hirap kasi ng sitwasyon, kahit gusto ko ng ipagtapat awkward pa rin. Bakit ba unfair ang buhay? Maiinlab ka sa ‘di naman talaga puwede. Sabi n’ya dati, ganon raw talaga para may challenge, hindi raw basta-basta binibigay para ma-appreciate mo ‘pag binigay na sa ‘yo. Sign ba ‘yun? Baka gusto nyang sabihin na “konting tiyaga na lang at magiging tayo na, basta huwag ka lang susuko.” Huwag naman sana n’yang patagalin dahil ‘di na rin ako tatagal.  ‘Di bale, umamin na naman si Rustom…

.

“Tatamaan kayo sa akin!” Galit na naman si coach, kitang-kita naman ang ebidensya. ‘Wag kasi kayo makulit, sundin lang natin kung anong ipagagawa n’ya. Bakit kasi tayo ang sisihin n’ya eh siya naman my kasalanan. Last minute na pinasok pa si Martinez, anong magagawa noon eh tanga ‘yun. Crucial game pa naman. Kunsabagay, ‘di mo ba napapansin iba talaga treatment n’ya kay Martinez. Nagtataka nga ako dati kung bakit napasama yun sa team eh wala naming binatbat, lampayatot at ang hina ng pickup. Sa iyo ko lang sasabihin ito pero balita ko si coach raw mismo nagrekomenda sa kanya. Tayo nga sobrang nahirapan sa tryout, tapos nangitim pa tayo sa bootcamp, eh samantalang s’ya parang anak ng presidente na bigla na lang sumulpot sa team. Isumbong kaya natin ‘yan sa management or ipasalvage natin kay Tulfo. Makakakuha lang ako ng tyempo, papatulan ko talaga si lampayatot. Saka pare, napansin ko kamukha ni Martinez ‘yung bagong girlfriend ni coach…

Leave a Reply