> Tradisyon
Sobrang high-tech na talaga ng panahon. Pagkatapos kong malaman na puede palang makita ‘yung aerial shot ng bahay ko thru Google Earth, napaisip tuloy ako ng "what’s next?". Lahat kasi posible ngayon, bilis ng rebolusyon ng mundo. Kisapmata lang bago na ulit uso.
Kaya halos mahulog ako sa aking upuan ng lumapit sa akin ang isang bagong kakilala. medyo shy-type pero nagawa nyang iabot sa akin ang isang notebook, ibalik ko na lang raw agad pagkatapos. Putiks, halimuyak pa lang ng scented paper at sa hulma, hugis at texture ng cover halos hindi ko makapaniwala na nasa aking kamay ang isang relic ng lumang panahon. Halos maluha ako sa galak at biglang naging senti ulit dahil hawak ko ngayon ang "tradisyon" na pinagdaanan ng samu-saring emosyon, relasyon, definisyon, at mga dedication.
Ito po ang slumbook. Ten years ago, ito ang bibliya ng mga kabataan, ang tanging daan upang makilala mo ng lubusan ang crush mo at ang crush rin nya. Isa syang notebook, iba’t ibang hugis, kulay, amoy at itsura na punong puno ng tanong upang mas makilala ang isang tao.Kung may available ka na whole body picture puede mo i-paste, kaya optional na lang ‘yung "describe yourself". malaki ang naiambag ng slumbook sa bagets ng dekada 90. dito sila nagkaroon ng idea sa pagkakaiba ng love at crush, sa pakiramdam ng first kiss, sa pagkakaroon ng unforgettable place & date, sa pag-identify sa kanilang hobbies, bestfriends, favorite, likes/dislikes, sa pagkakaroon ng motto at ambition, sa pag-unawa sa symbology, numerology at encryption upang maitago mo ang iyong crush through numbers ng hindi made-decipher ninoman, atbpa.
dito ko nalaman ang meaning ng JAPAN (Just always pray at night), HOLLAND (Hope our love lasts and never dies), ITALY (I trust and love you), LIBYA (Love is beautiful, you also), HOPE (hostess open panty everynight), MARLBORO (Men always remember love because of romance only) ISTAMBAY (ikaw, sila, tayo ang mga taong ayaw yumaman) at marami pang iba.
Masarap basahin ang slumbook lalo na kung may mga dedications. Dito hindi mahalaga kung wrong grammar o spelling at mas cute pag super korni. ang mahalaga eh ang effort na maipakilala mo ang iyong identity at maiparamdam mo sa iba ang pagiging tunay na kaibigan.
Sobrang bilis talaga ng panahon. lahat puedeng magbago. ang spelling ng love ay luv ngaun, ang 143 ay luv u, ang ha-ha-ha eh simple smiley na lang. wala na rin masyadong nakakaalala sa tradisyon ng slumbook, at kahit minsan walang gustong umamin na my slumbook entry rin sila. ganunpaman, korni pa rin ang buhay, nakakakilig pa rin pag may crush, at masarap pa rin ang magmahal.
June 18th, 2006 at 3:37 pm
yupyup! i viewed my house via satellite and even our alma mater is there! you can try also http://www.google.com/maps. google earth is improving it was launch 2 years ago i think.
June 21st, 2006 at 10:07 pm
oo nga, very impressive. I’m trying to locate now my once unforgettable place.
December 14th, 2008 at 11:11 am
Hi!
My name is Jessika!